Drizella Genet’s POV Tutok na tutok ang mga mata ko sa harapan ng telebisyon ko habang si Pierre naman ay nakayakap sa bewang ko. Maayos ang pagkakaupo ko sa kama habang nakasandal sa headboard ng kama ko. “Hindi ka ba nagugutom?” tanong ko kay Pierre. Kanina pa niya ako sinasamahan na manood. Eleven na ng gabi pero hindi siya umalis ng kwarto ko. Hindi pa rin siya nakakakain. Hindi rin kasi ako makapag-akyat ng pagkain sa kwarto ko. Nang subukan ko kasi kanina tinanong lang ako ni Mommy at Daddy kung bakit pa ako sa kwarto kakain. “Nope.” Ang lakas talaga ng sikmura ni Pierre. Hindi ko pa siya nakikitang kumain simula nang pumasok siya sa kwarto ko pero hindi man lang siya nakakaramdam ng gutom. Mabuti nga at nakahiga lang siya sa kama kaya hindi nanghihina ang kataw

