Drizella Genet’s POV “Maaga uwi mo?” Napatingin ako sa isang kandidata na tinanong ako. Si Jaime. “Oo,” nakangiting sagot ko sa kanya at sinukbit na sa balikat ko ang duffle bag ko. Sigurado akong inaantay na ako ni Pierre at Deena sa labas ng hotel. Usapan namin na susunduin nila ako gamit ang sasakyan ni Kuya tapos didiretso na kami sa labas ng Escajeda. Doon kami mamimili ng mga laruan ni Deena at kakain na rin. “Bakit mo natanong?” saad ko. “Ah wala lang. Balak kasi namin na yayain ka sana kumain sa labas. Hindi ka na nakakasama sa amin.” Kahit isang beses hindi pa nga ako nakakasama sa kanila. Nahihiya na nga ako pero palagi naman kasing wrong timing. “Ah kasi nangako na ako sa alaga ko,” sagot ko sa kanya. Alam na nilang lahat ang tungkol kay Deena

