Drizella Genet’s POV Pagmulat ng mga mata ko, wala na akong naabutang katabi ko. Salubong ang kilay na napabangon ako sa kama. Inayos ko ang gusot-gusot kong pajama at pumasok sa banyo. Kahit dito wala siya. Nagbanyo ako at inayos ang sarili ko. Ginamit ko ang toothbrush ni Pierre at naghilamos. Lumabas ako ng bathroom at sinilip din ang walk in closet niya. Wala rin siya roon kaya naglakad na ako pababa ng bahay niya. “Kumain ka ng marami para lumakit ka agad.” Mas lalong lumalakas sa pandinig ko ang boses ni Pierre bawat pag hakbang ko pababa. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng isang bata. “Masarap ba?” tanong pa ni Pierre sa kung sino man ang kausap niya. Pagdating sa unang palapag, dahan-dahan akong naglakad patungo sa labas ng bahay kung saan ko naririnig a

