Drizella Genet’s POV Hinalikan ni Pierre ang tungki ng ilong ko. Paulit-ulit niyang ginagawa ‘yon buong byahe papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Ms. Ching. “Pierre, baka malukot na ang suot ko,” sambit ko sa kanya at napatingin sa blue button-down polo ko na naka-tuck in sa skinny jeans ko. Malaki ang van pero gusto niya na magsiksikan kami sa iisang upuan habang nakakandong ako sa kanya. “Hindi naman malulukot. Ako pa ang nag platsa niyan kaya hindi malulukot ‘yan.” Kumindat pa siya sa akin na parang siguradong-sigurado. Siya nga ang nag-ayos ng susuotin ko ngayon. Mula sa damit hanggang sa sapatos ko. “Gusto mo mamili pagkatapos?” biglang alok niya sa akin. Halatang iniiba niya para hindi ako umalis sa kandungan niya. Mas humigpit kasi ang pagy

