Drizella Genet’s POV Ang tunog nang pagbagsak ng tubig mula sa itaas ay nagpapakalma sa akin. Ang mga huni ng ibon na sobrang sarap pakinggan sa tenga. Hindi ko maririnig ang ganito sa Maynila lalo na ang huni ng ibon. Kaya pipiliin ko pa rin talaga na tumira rito sa Escajeda. Masaya at kalmado ang paligid. “Pasensya na nga pala sa nangyari kahapon sa binyag ng anak mo,” sambit ko kay Maxine. Parehas kaming nakaupo sa bato habang nakababad ang mga paa naming dalawa sa tubig. Napatingin ako sa harapan namin kung saan magkasama sina Pierre, Gamble at ang anak nila na nagbababad sa tubig. Dito malapit nakatira ang mag-asawa. Napapalibutan ng mga puno ang munting bahay nilang mag-anak at malapit sa Maria Falls. “Ayos lang. Hindi naman maiiwasan ang problema sa pamil

