Drizella Genet’s POV “Hindi ka ba nag-iisip, Drizella?!” Dumagungdong sa buong bahay namin ang boses ng ama ko. Sunod-sunod na nabasag ang mga mamahaling vase na inaalagaan ni Mommy. Nakayuko lang ako at tinatanggap lahat ng sinasabi niya sa akin. Mag-isang nakaupo sa gitna ng mahabang sofa habang nasa harapan ko silang tatlo. Wala akong kakampi maliban sa sarili ko. “Binalikan mo ang taong nanakit sa’yo?! Na walang kwenta?! Ang pumatay sa anak mo?!” Ayokong sagutin sila dahil nasasaktan at nagagalit ako sa lahat ng mga naririnig ko mula sa kanila. Ayokong may masabi ako na hindi maganda sa pamilya ko. “Akala ko ba matalino ka?!” si Kuya Damien. “Eh bakit ang bobo mo para balikan siya?! Hindi ka ba talaga nag-iisip ng tama, Drizella?!” Kabi-kabilaang mga mas

