Drizella Genet’s POV “Hello little Gamble.” Inilapit ko ang sarili ko sa anak nila Gamble na buhat-buhat ni Maxine. Hinalikan ko ang pisngi ng anak nilang lalaki at inilapag sa lamesa ang regalo ko. “Ang cute-cute ng baby mo,” nakangiting sambit ko kay Maxine. Nakuha talaga ng anak nila ang buong mukha ni Gamble. Nasa bata rin ang ilong ng mga Aceves na sobrang tangos talaga. Sino kaya ang kamukha ng anak namin kung nabuhay lang ‘to? “Thank you, Drizella. Maupo ka na roon.” Nilabi niya ang long table ng mga Aceves para sa mga bisita. Hindi ganoon karami ang bisita. Mga kamag-anak lang nila at malalapit na kaibigan. Kasya na ang isang mahaba at malapad lamesa para sa lahat. “Pwede bang pahawak kay baby Marques?” ‘Yon ang pangalan ng anak na lalaki ni Gamble at

