Drizella Genet’s POV Nakasalumbaba ako sa harapan ng vanity table ko habang pinagkakatitigan ang pisngi ko na namamaga pa rin. Nakaligo na ako pero hindi pa rin mawala ang pamumula nito. Halatang-halata rin ‘to dahil sa maputi kong balat at hindi pantay ang kulay ng dalawang pisngi ko. “Hey, honey.” Gulat na gulat na napalingon ako sa pinto ng walk-in closet ko. Si Pierre na nakangiting naglalakad palapit sa akin at bagong ligo pa. “Sorry hindi ako nakapagpaalam sa’yo na uuwi ako ng bahay. Tulog ka pa kasi at ayokong makaistorbo.” Hinalikan niya ang noo ko pagkarating niya sa harapan ko. Akala ko hindi pa siya darating sa kwarto ko. “Anong nangyari sa’yo?” tanong niya at hinila ako patayo. Dumaan ang palad niya sa pisngi ko kung saan may bakas ng p********l sa a

