Drizella Genet’s POV “Ito na ang ating huling practice. Sa susunod na araw na ang laban niyo. Inaasahan ko na magiging maganda at masaya ang laban na mangyayari,” ang coordinator namin. Sobrang bilis. Hindi ko napansin na itong darating na araw na pala ang laban ko. Masyadong naging mabilis ang lahat sa akin. Maraming nangyari at nagdaan. “Tatandaan na hindi niyo kalaban ang isa’t isa dahil isa lang naman ang gusto niyo. Ang ipaglaban ang Escajeda,” nakangiting sambit pa nito. Napatingin ako sa gilid ko dahil biglang tinapik nito ang kamay ko. Nakita ko si Miyake na nakangiti ng wagas sa akin. “Payag ba ang Daddy mo na mag party tayo sa arena niyo, after ng laban?” tanong niya sa akin. Napailing naman ako sa kanya. Hindi ko naman sinabi kay Daddy ang tungkol dito

