Drizella Genet’s POV “Kuya Damien?” Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. Nakita ko ang kapatid ko na nakahiga sa kama habang yakap-yakap ang natutulog na si Deena. Tanghaling tapat at pinatulog niya ang bata. “Yes?” nakangiting tanong sa akin ni Kuya Damien. Sa tono pa lang ng pananalita niya halata na agad kung gaano siya kasaya ngayon. Saya na alam kong ngayon niya pa lang nararanasan. Ilanga raw na ang nagdaan nang makausap ko ang Tito ni Deena. Hanggang ngayon wala pa rin akong napagsasabihan maliban kay Pierre. “Ah, pwede bang mag-usap muna tayo?” kalmadong sambit ko. Napalabi ang kapatid ko dahil halata naman na ayaw niyang bumangon sa kama niya. Pero sa huli tumayo pa rin siya sa kama niya. Naglakad siya palabas at agad ko siyang sinundan.

