Drizella Genet’s POV “Mom, I want chicken.” Mabilis akong kumuha ng manok at inilagay sa pinggan ko. Hinimay ko ito ng maliliit lang para hindi mahirapan ang apat na taong gulang na si Deena. Sinubuan ko si Deena na nasa kandungan naman ni Pierre. “May regalo pala ako sa’yo, Drizella,” si Daddy Moon ang ama ni Pierre. Hindi ko naman birthday ngayon pero parang birthday ko na rin dahil sa inihanda ng mga Aceves dito sa hardin nilang napakalaki. May tarpaulin din na nakalagay ang mukha ko at congratulations. Simpleng handaan pa ba ‘to? Iba talaga ang salitang simple sa mga Aceves. “Salamat po, Daddy Moon.” Tinanggap ko ang isang may kalakihang kahon mula sa ama ni Pierre. “Buksan mo na, iha.” Tumango ako at binuksan ko ito sa harapan ng pamilya ni Pierre at pa

