Drizelle Genet’s POV “Señorito Pierre, pinapababa na po kayo ng mga magulang niyo.” Isang magalang na boses mula sa labas ng kwarto ni Pierre sa mansyon dito sa hacienda. Dito muna kami nakatira at pumayag naman ang mga magulang ko na dumito muna kami. Malaya kaming dalawa rito lalo na sa labas ng mansyon. Kaya naming mamasyal sa buong hacienda ng kaming dalawa lang at hindi iniisip na baka may makaalam ng relasyon namin. Protektado ako rito. “Hon,” tawag ko kay Pierre na mahimbing na mahimbing pa ang tulog sa ibabaw ng dibdib ko. “Let me sleep,” paos na sambit niya. Hinaplos ko na lang ang buhok niya at hindi ko na siya hinayaan na gumising pa. Mabuti na lang at tumigil na rin agad ang kasam-bahay sa labas ng kwarto ni Pierre sa kakatawag dito. Baka mamaya kasi ma

