“Hiyaa!” Malakas na hampas ang ibinigay ko sa kabayo nila Pierre papanik ng burol. Sumasalubong sa akin ang simoy ng hangin habang pinapanik namin ang burol. Sakay kami ng magkaibang kabayo ni Pierre. Maayos na ang pakiramdam ko pero ang mga mata ni Pierre alam kong nag-aalala pa rin habang hinahayaan ako na mauna sa itaas. Malapit ko ng maabot ang itaas ng burol. Konti na lang! “Yeah!” malakas na sigaw ko pagdating sa itaas. Napapalakpak pa ako at napalingon kay Pierre na kanina pa salubong ang kilay. Paakyat na rin siya at ang wala sa mood. Gusto kasi niya sa iisang kabayo na lang kami sumakay dahil baka raw mapaano pa ako. “Hindi nakakatuwa,” inis na sambit ni Pierre na nakarating na rin dito sa tuktok. Hindi masama ang loob niya dahil sa hindi siya nanalo sa karera namin. Masam

