Drizella Genet's POV Kinakabahan akong nagbihis gamit ang damit ni Pierre at ang isang de-garther niyang short. Kinakabahan ako sa bawat kilos ko habang pinapanood ko siya na tulog na tulog sa kama. Ayokong maglikha pa ng kahit na anong ingay para hindi ko siya magising. Komportable ang tulog niya sa kama niya. Ganyan ba siya ka komportable matulog noong iwan niya ako? Mukha lang siyang isang normal na lalaki tulad noon. Puro party at alak ang gusto na nagpapasaya at walang problema na iniisip. Kung nakakatulog man siya nang mahimbing noong mawala siya bigla, paano niya nasisikmura 'yon? Samantalang ako kailangan ko pang lumuha nang balde-balde bago ako makatulog sa magandang kama, malambot at malinis pero puno naman ng lungkot. Dahan-dahan akong lumapit sa lamesita at k

