Travis POV Tahimik kong sinusulyapan ang tanawin mula sa terrace ng bahay. Ilang araw na rin ang lumipas magmula nang magsayaw kami ng Jasmine na 'yon, at sa harap pa talaga ng maraming tao. At ewan ko ba kung bakit laman pa rin 'yon ng isip ko. Sadyang kay bilis ng mga araw at parang kailan lang ay bukas na pala ang Social night, kung saan ay magpe-perform kaming dalawa. Bakit ba kasi sa dinarami-rami nang mapipili na magpe-perform ay kami pa ng Jasmine na 'yon? Pero hindi ko maitatangging magaling siyang magdala ng sayaw at gumalaw. Subalit hindi ko rin mapigilan ang emosyon ko sa tuwing tinititigan siya, lalo na at kamukhang-kamukha niya ang babaeng gusto ko. Ilang araw na rin ang lumipas magmula nang mapansin kong may kakaiba sa ikinikilos ni Dave, parang kailan lang ay bumalik an

