Jasmine's POV Pasado alas siyete na ng gabi nang matapos ako sa inaaral ko, nag-a-advance lesson kasi ako kapag alam kong may bagong lecture kinabukasan. Doon ko lang din nabasa ang message sa akin ni Dave dahilan para mapangiti ako sa message niya. Marahil ay naging unfair ako sa kaniya, kaya simula ngayon ay gusto kong bumawi para naman iparamdam na ayokong balewalain ang ibinibigay niyang atensyon. Nagmadali akong lumabas ng library at dumiretso sa may parking lot. Pero halos amagin na yata ako ro'n dahil wala man lang akong nakitang 'ni anino ni Dave. Kaya agad na nawala ang excitement ko at nagpasyang umuwi na lang para mag- commute. Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay wala na akong natanggap na text mula sa kaniya. "Baka nainip lang 'yon," bulong ko sa sarili. Hindi na rin ako na

