Jasmine's POV "Wow! Ang ganda niya talaga!" "Ang galing pang sumayaw!" "May kamukha kaya siya." "Talaga? The who?" "Iyong--" "Shut up! Papalapit na siya, hinaan mo 'yang boses mo." Samu't saring mga boses ang bumungad sa akin nang dumaan ako ng entrance na malapit sa may lobby. Marami na rin nagbago magmula nang maging parte ako ng pinakasikat na dance group dito sa buong campus. Hindi lang sa sumikat ako kung 'di nabawasan ang mga taong bully sa mga katulad kong commoner at walang kaya sa buhay. Sa aking patuloy na paglalakad ay hindi sinasadyang makasasalubong ko si Mrs. Dianne, ang Math teacher namin. "Good morning, ma'am," bati ko sa kaniya. Doo'y lumapad ang ngiti niya. "Mabuti na lang at nakasalubong kita, Ms. Llaneta, I have something to tell you." Napataas ang kilay ko.

