"Mara may kailangan kang malaman." Hindi ko alam kung dapat na ba niyang malaman? O kung sakaling malaman ba niya ay paniniwalaan niya kaya ako? Napahinga ako ng malalim at saka dali-daling ipinasuot sa kaniya ang shades ko. Binuksan ko ang pinto ng banyo at hinila siya papalabas doon. Wala akong pake sa mga taong makakasalubong namin at wala rin akong pake kung hindi na ako makapasok sa mga susunod na subjects. Dahil ang mahalaga sa akin ay ang malaman niya ang totoo. "Ano ba?! Saan ba tayo pupunta? Ang sakit ng hawak mo, ah!" pag-iinarte pa niya. Pero sa halip na sagutin siya ay kinausap ko na agad ang tricycle driver na huminto sa tapat namin. "Manong, sa may kanto lang po." "Jasmine, may klase pa tayo. Gaano ba ka-importante ang sasabihin mo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Ang ta

