Nakakabinging mga putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kabahayan pero nakapagtataka dahil humihinga pa rin ako. Nagising ako sa katotohanan nang makita na dakip na ng mga civilian na pulis ang mga tauhan nina Mr. Prieto at Precy. Maging ang mga armas na nakuha mula sa kanila ay hawak-hawak na rin ng mga pulis. Napalingon ako sa katabi kong si Ate Mara at napahinga ako ng maluwag nang makitang walang nangyari sa kaniya. Samantala, si Mama naman ay akay-akay na ni Geofferson. Subalit, nanlaki ang mata ko nang makita si Travis sa harapan ko.. Mabilis nila kaming pinahiga sa may sofa, bagama't wala kaming tama ng baril ay tila nanghina ang mga katawan namin. "Ate Mara.. ayos ka lang?" Napangiti ako nang dahan-dahan siyang tumango. "Jasmine.. mabuti at walang nangyaring masama sa inyo.

