Isang linggo matapos ang bangungot na nangyari sa buhay namin ay hindi maitatangging mas napalapit kami ni Ate Mara sa isa't isa. Subalit, sa itinagal ko ritong pumapasok sa Stanford University ay ngayon ko lang naranasan ang kakaibang feeling ng may kapatid at sabay pa kayong papasok sa eskwelahan. Hindi ko rin alam kung anong mayroon at bakit kakaiba kung makatingin ang ilang estudyante sa amin, ang mga mata nila'y mukhang gulat na gulat nang makita kaming magkasama. Marahil ay hindi pa rin sila makapaniwala na may kakambal ako. "Hayaan mo sila, sissy." Napatango ako sa biglaang pagtawag sa akin no'n ni Ate Mara. Mahigpit siyang nakahawak sa kamay ko at habang naglalakad kami ay bigla na lamang akong napalingon sa kung saan at hindi ko inaasahang matatanaw ko si...Red, kasama si Deborah

