Travis POV Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin. Masaya ako kapag kasama ko si Jasmine at tila naiirita ako kapag nakikita akong sweet sila ng kaibigan ko. Gayunpaman ay gusto kong suportahan si Dave sa kagustuhan niya. Nakakatuwang isipin na masaya sila ni Jasmine sa isa't isa at aaminin kong boto ako kung sakaling maging sila. Sa tagal na namin na magka-tandem pagdating sa pagsasayaw ni Jasmine ay hindi na ako nakararamdam na kahit na anong ilang sa aming dalawa. Ang alam ko lang ay nag-e-enjoy ako sa ginagawa namin. Hindi katulad dati na makita ko pa lang siya ay tila kumukulo na ang dugo ko at pinagsisisihan ko ang araw na 'yon. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang pasalamatan si Mrs. Menchie sa pagpili niya sa akin bilang katambal ni Jasmine. Isang magaling na mananay

