Secret 18

1354 Words
KUNG ang kapit ni Marcela ay parang linta, ang yakap naman ni David ay parang sa porcupine. Yon bang cute na hayop na parang daga, tapos kapag natatakot ay nagpapalabas ng matitinik na karayom? Oo, yun na yun eh. Parang isang porcupine si David ngayon. Niyayakap niya ako para mabigyan ng hustisya ang pangungulila niya. Niyayakap niya ako dahil yun ang ikagagaan ng loob niya. O kaya naman niyayakap niya ako para makaramdam siya ng warmth sa tindi ng lamig ng panahon...winter eh. Wag kang malice, please. Huehue. Kaya porcupine kasi nasasaktan ako sa pagyakap ni David. Mahigpit masyado. Okay sana kung yun lang, hindi ko naman ikamamatay ang yakap, kaya lang nasasaktan talaga ako. Ang mga bisig niya'y parang may dalang matitinik na karayom, unti-unti akong tinutusok at ibinabalik sa kung ano man meron ang kahapon. Will you marry me, Shey? Teka nga. Ang batang to hindi pa rin nagbabago. Hitsura lang pala ang nagbago sa kanya, eh. Niyayakap niya ako dahil akala niya okay lang. Akala niya hahayaan ko lang. Itotolerate. Akala niya... "Close ba tayo?" Tanong ko sa kanya nang hindi pa rin siya kumakawala. Aba, hindi man lang natinag? Ano bang nangyayari? Totoo bang si David itong pumupulupot sa akin? Bakit kung makayap sa akin ay parang wala ng bukas? Baka naman nagiilusyon lang ako? Pero hindi eh. Wala eh—walang ilusyon! Totoo to! Oh, Lord! Napakurap ako sa mga mata nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. Di hamak na mas matangkad si David kaya naman hanggang dibdib niya lang ako. "Okrang talong naman, David. Naririnig mo ba ako?" Nagsisimula na akong mainis. "Oo." Tanging sagot niya habang kinukuyamos pa rin ako sa yakap. Kaloko much na. Kailangan kong kumawala bago pa may makakita sa amin sa ganitong ayos! Isa pa, sa pagkakaalala ko ni hindi ako hinahawakan ni David sa kamay nuon pa man! Tapos ngayon after two years bigla na lang niya akong yayakapin? Naka-drugs ba to? Baka naman may double life ulit siya—di joke lang! Kahit mabango siya, kahit gwapo siya, kahit sikat siya at kahit si David pa siya, hindi tamang yayakapin niya ako ng ganito dahil hindi magandang tingnan! Kung meron man siyang kayakap ngayon, si Shey yon at hindi ako! Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, ako na mismo ang kumiwalas sa kanya! Itinulak ko siya ng malakas palayo sa birhen kong katawan. Birhen sa yakap, birhen sa halik, birhen sa kung anu-ano pa at alam mo na! Yun na yun. Nag-angat ako ng maasim na mukha para malaman niya na hindi ko nagustuhan ang biglaan niyang yakap. KJ na kung KJ. Eh ano naman ngayon, KJ naman talaga ako. Isa pa, may takot ako sa Diyos at naniniwala akong malaking kasalanan ang adultery! "Aryen, si David to. Bestfriend mo." Panimula niya at bakas sa kanyang mga mata ang biglaan kong pagtulak sa kanya. Aba naman, howaw ha, playing safe na si David ngayon. Di porket naging mag bestfriends kami noon ay gagamitin niya ito bilang rason. "Alam ko, wala naman akong amnesia." Sagot ko sa kanya, mapakla pa nga ang boses ko na tila walang buhay. Alangan namang magsisigaw ako ng "Yay, David andito ka! I miss you, my bestfriend, my love, and sweetiepie! Kamusta ka na? Kayo ni SHEY?" HOW ABOUT NO?! "Bakit parang hindi ka natutuwa?" Malungkot na tanong ni David. Mukhang hindi ganito ang reaksyon na inexpect niya mula sa akin. Sa di malamang kadahilanan, di ko alam kung bakit siya ganyan. Nasobrahan ata sa mini concert kanina sa harap ng congregation. "Hindi naman sa ganon. Nagulat lang ako. At ganito ako magulat." Malarobot kong explain. Patingin-tingin din ako sa paligid kasi baka may dumaan na kakilala ko, or ni David. Ayokong matrap sa isang sitwasyon na hindi ko naman ikatutuwa. Okay, sige na, assuming na naman ako. Exaggerated lang. Sorry po, Lord. "Aryen, actually gusto kong mag-usap tayo ng matagal. Ang laki ng pasasalamat ko kay Lord sapagkat nag-abot na din ang landas nating dalawa. Kay tagal kitang hinanap." Aakmang lalapit si David ngunit umatras din ako, ewan ko ba, mukhang may mga sariling kaluluwa tong mga paa ko. O baka naman umiiwas ka lang na masaktan muli, at si David ulit ang dahilan. Echusera din itong konsensya ko noh. Huehue. NO. Hindi nakakatuwa. Uyy Aryen ha, akala mo lang nakalimot ka na, mahal mo pa rin ang porcupine na yan noh? ISIP, magtigil ka! Hala, ayokong mabaliw. "Ah, ganon ba? Hindi pa pala pag-uusap itong ginagawa natin." Medyo natatawa kong sabi, sinadya ko lang din para maitago ko ang nerbyos. Pakiramdam ko nangingig ako. Hindi ko pwedeng sabihin ng harapan pero totoong namiss ko siya. At natutuwa akong makita siyang muli. Halata naman na natutuwa din siya. Kaya lang kung nandito siya para sabihin ulit na bestfriend kami...isa lang ang alam kong sagot. Hindi pwede. Kailan man ay hindi pwede. Kasi in the end ako ang kawawa. Ako ang martyr. Dahil ako ang magkakaroon ng feelings ulit...if ever man. Minsan nang naging ganon. Nakarecover na ako dun. Ayoko ng ibalik pa. Pero kahit hindi na kami magbestfriend ay gusto ko pa rin pakinggan kung ano man ang sasabihin niya. In one way or another, gusto ko ring makibalita sa buhay niya at makikimusta na rin ako kay Shey. Malay mo may mga anak na pala sila. Oh di ba hankyuut nun. Kung hindi lang sana ako nainlab kay David dati ay siguro naging ninang pa ako sa mga anak nila. "Sige David, kung makakapaghintay ka umupo ka muna sa lobby. Aayusin ko lang muna ang gamit ko sa Sunday school." Sabi ko sa kanya. Di ko alam kung bakit pero biglang kuminang ang mga mata niya. Mukhang siya naman ata ang OA makareact. "Maghihintay ako." Nakangiting sagot ni David. Tango na lang ang naging tugon ko. Tapos tatalikod na sana ako para dumeretso sa classroom ng mga bata nang biglang may tumawag sa pangalan ko. "Aryen." Kumpirmadong boses yun ni Soo Hyun. Pero nagdadalawang-isip ako. Kasi hindi naman ako tinatawag na Aryen lang ng batang yon. Meron talagang noona as a sign of his respect to me. Because I'm older than him. Ngunit paglingon ko sa pinanggalingan ng boses, confirmed. Si Soo Hyun nga. "Kilala mo?" Tanong ni David. Ang kaninang masaya niyang mukha ay biglang nabalutan ng pagtataka. "Oo. Si Soo Hyun." Madaliang sagot ko tapos binaling ko ang atensyon sa palapit na si Soo Hyun. "Why are you still here? Ah by the way, this is David." "I'm her bestfriend." "Used to be." Pagtatama ko sa sinabi ni David. Hindi niya ikinatuwa ang sinabi ko. Well, hindi siya dapat maapektuhan. Kasi bago pa man siya inengaged kay Shey, I really made it clear to him na hindi na kami pweding maging bestfriend. And I really believe na naintindihan na niya yon kung bakit. Matalino naman siyang nilalang. Manhid nga lang. "Hi David, finally nice meeting you. I'm Soo Hyun." Pagsisimula niya sabay offer ng kanyang kanang kamay. Tapos may kung anong ngiti pa sa kanyang mapupulang labi. Hindi naman siya nagli-lipstick pero parang ganon na rin yun. Ewan ko ba sa mga kutis Koreano. Confident din naman ako na tatanggapin ni David ang alok niyang handshake. Yun nga lang mukhang nag-aalanganin siya. Di ko mawari kung bakit. Binalik ko na lang ang tingin kay Soo Hyun, at ewan ko ba, pakiramdam ko meron siyang sasabihin na hindi maganda. Pakiramdam ko may kung anong bahid sa mga ngiti niya. At ang pakiramdam ko'y naging katotohanan nang magpatuloy siya. "I'm officially courting Aryen." May kung anong tunog ang lumabas sa utak ko, parang ting. Ang sakit pakinggan. Nakakagulat. Nakakagigil. Nakakaubos ng rational thoughts. Hindi ko na nacatch-up ang pangyayari. Pakiramdam ko joke lang ang lahat. Ang pagkikita namin ni David hanggang sa huling sinabi ni Soo Hyun. Parang hindi totoo. Pero wala eh. Wala nah. Totoo talaga. May mga salitang lumabas sa bibig ni David, tiyak na gulat din ito, pero hindi ko na narinig kasi busy ako sa pagprocess ng sinabi ni Soo Hyun. Narinig ko na lang ang sinabi ni Soo Hyun na, "And I don't intend to date her in secret."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD