Secret 1
"HI ARYEN. Papunta na ako sa Tadakuma."
Namilog ang mga mata ko nang mabasa ang text ni David. Naku! Wrong timing naman, oh. I check the time on my wristwatch and it's already five-forty, tapos nandito pa ako sa mall! Oh my gosh. May usapan kasi kami ni David na magkikita sa Tadakuma Restaurant at 6:00PM. Hindi ko naman akalain na maaga pala siyang dadating! I mean, dah, karamihan ata sa mga Pinoy ay laging late sa usapan. Hmnn, aminin! Kagaya ko ngayon.
Ang totoo nyan, hindi naman ako yong tipong laging late. Ako yong tipong nagagalit kapag nale-late! Okay lang sa akin na ako ang maunang dumating. Okay lang sa akin na ako ang maghintay, kahit ilang oras pa yan. Basta naman siguraduhin lang na dadating talaga. Hindi naman ako martyr na maghihintay lang sa wala. Teka, ba't ba ako napunta dyan? Anyway, hindi ako sanay na AKO ang hinihintay! Before the scheduled time kasi ako always. Wag kang umangal, ganyan talaga.
Eh ang nangyari, itong kaibigan kong si David, hindi ako inorient na nagbagong-buhay na pala siya. Aba, first time yata niya today na hindi siya late! Pwede ko na siyang bigyan ng jacket, you know! Haha. Wait, hindi ito ang tamang oras para tumawa ako. Male-late na ako sa usapan, my gosh! Tinapang gulay naman, oo. Chillax, expression ko lang yan.
"Hanapin mo na lang yong Tadakuma. Hintayin mo ako doon. Baka mauna ka pa." Reply ko naman sa text ni David. Sana okay ang trapik paglabas ko sa mall! Lagot talaga ako pag ganun.
"May pupuntahan ka pa ba after dito, Aryen?" Tanong sa akin ni kuya Grey. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya nang mag-angat ako ng mukha. Si kuya Griyego o Grey (para sossy daw pakinggan) ang dahilan kung bakit for the first time in forever ay male-late sa usapan si Aryen Dela Cerna. Oo, ako po si Aryen ano ka ba.
"Opo, kuya. May kikitain kasi akong kaibigan." Sabi ko sa kanya. Smile lang, para wagas. Si kuya Grey ay isa sa mga taong tinitingala ko as spiritual leader sa aming simbahan. Born again Christian nga pala ako. Single for the past six years, thank you, thank you.
Twenty-three years old na ako pero minsan asal teenager pa rin kung tingnan. Personality ko na kasi ang pagiging feeling young. Si kuya Grey naman ay matanda sa akin ng dalawang taon. Hindi ko siya kapatid sa dugo pero magkapatid na rin kung ituring namin ang isa't isa.
Secret crush ko si kuya Grey. Ever since the day I received the salvation of our Lord and Savior, Jesus Christ, hinahangaan ko na si kuya Grey. Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nang ma-born again ako. Pag born again Christian ka hindi naman ibig sabihin na bawal nang magcrush-crush. Tao rin naman ako at marunong humanga sa opposite s*x. Yun nga lang, dapat you know how to control and discipline yourself. In short, wag kang flirt!
Bawal munang magboyfie-boyfie. Hindi naman sa pinagbabawal ng pastor namin. Pero hindi talaga nirerecommend na mag-engage sa isang relationship kung hindi marriage ang main goal. In other words, kung gusto mong magdate-date, siguraduhin mong kasalan talaga ang punta. But before that, magpa-mature ka muna sa faith mo in the Lord. Yun lang naman yun. Isa pa, hindi biro ang pag-aasawa!
"Sinong kaibigan? Kilala ko?" Tanong ni kuya Grey. Oo, kuya Grey, kilalang-kilala mo pero hindi ko muna sasabihin dahil baka lagyan mo ng malisya. Hindi naman sa wala akong tiwala kay kuya Grey, pero ayoko lang malaman niya dahil baka akalain niya na crush ko si David. Eh siya lang naman ang ultimate crush ko at wala ng iba! Hindi niya nga lang alam. At wala akong balak na ipaalam sa kanya. Awkward kaya.
Isa pa, wala na akong chance kay kuya Grey.
Bakit?
Nasa stage na kasi siya na he wants to marry the love of his life! TADAH! Preparing his fields na si kuya Grey. The irony of it all, ang nakakatanda kong kapatid ang napupusuan niya, si ate Clarice. Opo. Ganun talaga ang buhay kung minsan. Masaklap isipin, pero blessed ka pa rin. Pasalamat na lang ako at buhay pa ako, yun lang naman yun. Wala akong panahon para mabroken-hearted. Paano kung babalik na ang Panginoon mamaya, o bukas, tapos broken-hearted ako kay kuya Grey? Eh di ako ang kawawa! Maco-compromise pa yung salvation ko kung nagtanim ako ng sama ng loob. Wag na lang.
"Hmn, siguro?" Sambit ko sa kanya. Naku, hindi biro ang magsinungaling!
"Sorry kuya, kailangan ko na talagang umalis. Salamat dito sa bigay mo. Wag kang mag-alala, makakarating kay ate Clarice itong pagkain! Promise!" Natawa si kuya Grey sa akin at ginulo niya ang buhok ko. Naks naman. Kinikilig ako! Pero seconds lang naman. Huehue!
"Kaya dalawa ang binili kong bento, eh. Kasi baka maubos mo yung isang box. Ba't ba kasi ang takaw mo?" Natatawa niyang sabi. Tinawagan niya kasi ako kanina at ime-meet niya daw ako sa mall. Yun pala may ibibigay lang siyang pagkain para kay ate Clarice. Dalawang bento box ng Japanese sushi. Mahilig kasi kami ni ate Clarice ng Japanese foods. Ang saya-saya kasi tag-isang box talaga kami. Like, woot!
"Salamat dito, kuya!" Sagot ko habang naglalakad nang paalis. Kumaway pa nga ako sa kanya.
"Aryen!" Tawag ulit ni kuya Grey. Lumingon naman ako.
"Ho?" Ang gwapo talaga ni kuya Grey! Like, wow.
"Like the old times, wag mong sabihin kay Clarice na sa akin galing ang pagkain, okay? Secret lang muna." Napakamot siya sa kanyang ulo. May kuto kaya si kuya Grey? Di, joke lang!
"Pano kung magtanong?"
"Sabihin mo galing sa kaibigan mo. Hindi naman pagsisinungaling yun kasi kaibigan naman talaga ako. Pero kung magtatanong siya ng pangalan, dun mo na lang sabihin na galing sa akin." In short, no choice.
"Ba't ba kasi ang torpe mo?" Pabiro kong asar sa kanya saka kumaripas nang takbo. Alam ko naman kung bakit hindi pa nanliligaw si kuya Grey kay ate Clarice. Nag-aaral pa kasi ang ate ko kaya hindi pa pwedeng istorbohin pagdating sa love life. Law student kasi ang ate ko. At medyo matatagalan pa bago siya makaka-take ng bar exam. Yun na lang talaga ang hininhintay ni kuye Grey eh, ang makagraduate si ate Clarice.
Napaka-blessed talaga ng ate ko.
Beauty and brains meron siya. Manhid nga lang kung minsan.
"SAAN ka na banda? Kanina pa ako nandito." Text ulit ni David. Naku naman.
"Malapit na po! Sorry ha. Palakad na ako papunta dyan. Wait lang." Reply ko sa kanya. Totoo, malapit na talaga ako sa Tadakuma. Nakikita ko na nga ang likod ni David. Nakatayo lang siya sa labas ng restawran. Nakasuot ito ng kulay asul na tshirt. Bongga! Magkakulay pa kami ng tshirt ngayong gabi. Like duh.
Balak ko sana siyang gulatin sa likuran niya ngunit di ko nagawa kasi humarap na siya agad. Nakangiti siya ngunit mapakla naman, halatang gutom na gutom na. Matangkad si David sa akin kaya feeling ko minsan ang pandak-pandak ko pag katabi siya. Pang basketball player ang kanyang height.
"Kanina ka pa sa likod ko?"
"Hindi, hindi. Ngayon lang." Biro ko.
Ang pilyong binata nagawa pang pitikin ang noo ko.
"Aaiissh." Reklamo ko.
"Pumasok na tayo." Anyaya ni David. Binuksan niya ang pinto at pinauna niya akong pumasok. Ako na ang naghanap ng mauupuan namin. Hindi naman kalakihan ang Tadakuma. Maliit lang ito at bagay lang sa mga small family dinners. Traditional at authentic din ang mga Japanese dishes nila dito. Ito ang paboritong Japanese restaurant namin ni ate Clarice. Namention ko ito kay David at gusto niyang subukan. Kaya andito kami ngayon. Food lovers, eh!
"Tama ka nga. Maganda dito. Relaxing ang ambience. Para ding coffee shop, yong lugar ang binabayaran." Komento niya habang umupo sa harapan ko.
"See? I told you so." I rolled my eyes. Matagal na rin kaming magkaibigan ni David. Pero hindi alam ng lahat na mag bestfriends pala kami. Nasa music team kasi si David Gonzales. Siya ang pianist every Sunday service. Minsan kumakanta rin siya sa worship. Halos lahat ng instrumento ay kaya niyang patugtugin. Si David ay musically genius—ang talent na pinagkaitan talaga ako. Hindi, joke lang. Iba lang talaga ang talent ko noh. Iba-iba naman ang talent ng bawat tao, di ba. Di ba?
Hindi kami masyadong nagpapansinan sa church. Kasi hindi naman kami nag-aabot ng landas every Sunday. Busy siya sa ministry niya at busy rin ako sa ministry ko. Nasa Children's Ministry kasi ako. Hindi ako nagtuturo pero isa ako sa mga nag-aassist sa Sunday school teachers. Usually talaga nasa bandang likuran lang ako, out of reach sa presence ng mga tao.
Don't get me wrong. Pero magkaibigan lang talaga kami ni David. Minsan naiisip ko na mas mabuti na itong hindi alam ng marami na close kaming dalawa. You know, para iwas ISYU na rin. Mahirap kasi dahil nasa music team siya. Baka kung anu-ano pa ang masabi ng ibang tao. Isa pa, gwapo siya, maganda naman ako, pag nagkataon hindi maiiwasan na masabi nilang may "something" sa aming dalawa. Kahit wala naman talaga. Alam naman ng spiritual leaders namin na close friends kami ni David. Hindi nga lang nila alam na nagkikita pala kami. Just the two of us.
Dumating yong waitress at inabot kay David ang menu. Pero ipinasa niya sa akin at ang sabi'y, "Wala akong alam sa pagkain nila. Ikaw na lang umorder sa akin, pwede?"
"As if I have a choice." Sagot ko naman at tumawa lang siya. "Basta ikaw magbayad ha." Lumakas lalo ang tawa niya at inirapan ko na lang siya. I was so busy with the menu nang biglang may tumawag sa pangalan ni David. Napalingon ako at kinabahan bigla nang mapagtanto kong kilala nito si David.
"David?" Tanong ng matandang lalake at nagulat naman si David. Tumayo na lang ito at nakipag-handshake sa matandang lalaki. Hindi ko kilala si manong. Pero kilala nito si David at mukhang magkaibigan pa talaga. Shoot. Baka kung anu-ano pa ang isipin nito sa aming dalawa!
"Si Aryen, kaibigan at kasama ko sa church." Pakilala ni David sa akin. Nag-shake hands naman kami ni manong. Pero awkward ang feeling ko. Ang pakilala ni David siya si Manong Jose, kasamahan niya sa church dati ngunit lumipat na ng ibang church due to location matters. Nagkamustahan lang naman silang dalawa saka umalis na rin. Nagtungo na si Manong Jose sa kanilang table sa may unahan. Kasama pala nito ang pamilya niya.
Naka order na ako ng food pero hindi pa rin ako mapalagay. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat, yong may taong makakakilala sa amin ni David. Kaya nga dito sa Tadakuma ang naisipan naming puntahan, kasi at least alam ko na wala kaming kakilala na pumupunta dito. Wala naman kaming ginagawang masama, pero deep inside nakaka-guilty lang. Ewan ko ba.
"What's the matter, Aryen? Mukhang hindi ka ata mapalagay." Tanong ni David.
"Talagang hindi. May kakilala ka pala dito. Na-awkward lang ako bigla. Baka kung ano ang masabi niya."
"Alam mo? Ang praning mo, promise!"
"Ayaw ko lang na ma-isyu tayong dalawa. Alam mo naman na prone to isyu ako."
"As if naman ito ang first time na magkasama tayong dalawa."
"Yun na nga ang punto ko. Ilang beses ko na kasing sinabi sayo na isama natin si Jude. O kaya naman si Marta." Si Jude ay kasamahan ni David sa music team. Si Marta naman ay kasamahan ko sa Sunday school. Same church lang din.
"Sa tingin mo ba masasabi natin ang mga bagay na masasabi lang natin kapag tayo lang dalawa?" Ika niya at natameme na lang ako. May punto din naman siya. Pero sa tuwing sinasabi niya yun hindi ko maiwasang makonsensya. Feeling ko kasi nagtatago kaming dalawa sa mga taong kakilala namin sa church. Kaya umabot kami sa ganitong setup dahil umiiwas ako sa mga isyu at malicious talks. Ayoko kasi ng mga ganoon.
"Pero kasi dapat may kasama pa rin tayo." Nakamukmok kong sabi.
"Gusto mo lang isama si kuya Grey."
"Kung gusto mong mang-asar, wag mong idamay si kuya Grey."
"Okay, okay. Sorry na nga."
Napa-aisssh na lang ako, isa sa mga trademark expression ko kapag galit o naaasar.
"Teka, ba't ka nga pala na-late? Hindi ka naman ganyan."
"Well, for your information, nagkita kami ni kuya Grey sa mall kanina." Mahina kong sabi sabay nguso ko sa dalawang boxes ng sushi. "Hindi mo ba napansin ang dala kong bento? Pinabibigay kasi ni kuya Grey kay ate Clarice. Tag-iisang box kami, you know."
"Wow naman, kung maka-kuya ka parang totohanan na talaga."
"Boto naman ako kay kuya Grey para kay ate Clarice."
"Halata nga. Martyr ka nang maituturing."
"Pareho lang naman tayo ng sitwasyon, a. Pak one, pak two lang yan."
"Hindi tayo pareho, noh. Buti ka pa nga at close kayo ni kuya Grey. Eh kami ni Shey, hindi. Ang swapang niya sa akin kahit di ko naman siya inaano. Ewan ko ba't nagkagusto ako sa kanya."
"Ligawan mo na kasi. Pareho naman kayong may trabaho na." Sabi ko.
"Alam mo namang di pa pwede. Kulang pa ang ipon ko. Tapos nagpapalibre ka pa sa akin. Mahiya ka naman, uy."
"Eh nanlilibre ka din naman! Kasalanan ko ba yun?"
"Makulit ka kasi."
"Paano kung maunahan ka ng iba?" Tanong ko sa kanya.
"Si Lord lang ang nakakaalam nyan. No comment ako. Isa pa, alam nina kuya Juni at ate Jane na may gusto ako kay Shey. Boto naman sila sa akin. So kung liligawan ko na sya, wala ng problema."
Si kuya Juni at ate Jane ay spiritual leaders ni Shey. Mag-asawa ang mga ito at magulang na rin kung maituring ni Shey. Isang taon ang tanda ko sa napupusuan ni David ngunit mas nauna itong nakapagtapos ng pag-aaral. Hanggang ngayon nasa kolehiyo pa rin ako. Wag mo na akong tanungin kung bakit, mahabang kwento, eh.
"Hanga talaga ako sa role ng mga lalaki." Sambit ko. "Kayo yong naghahanap sa babae. Kami namang mga babae, wait lang nang wait hanggang sa mabigyan nang hudyat ni Lord ang guy. Minsan naiisiip ko na unfair much."
"Ganon talaga yon. Wag mo nang kontrahin ang prinsipyo ni Lord. Wait, ang tagal naman ata ng pagkain natin? Ganito ba always?"
"Patience is a virtue kasi." Sagot ko kahit ako mismo ay tinamad nang maghintay sa pagkain. "Basta ba David, kung magpropose ka na kay Shey, wag mong kalimutan na ipaalam din sa akin."
"Syempre naman." Nakangiting sagot ni David. "Oh, ayan na pala ang order natin! Oh yes!" Napangiti na rin ako sa paparating na pagkain.
Sa tuwing nagkikita kami ni David puro Shey at kuya Grey lang ang aming pinag-uusapan. Although minsan, naiisip ko, sana iba naman.