SALVI DEL FABIAN Nagising sa kalagitnaan ng mahimbing na tulog si Salvi ng kinapa niya ang katabing kama ay walang bakas na Sebastian ang nandoon. Nakatulugan niya pala ang pag-iyak kagabi. Talagang dinibdib nito ang pagsisinungaling at paglilihim niya. Napabuntong-hininga siyang napaupo sa kama. Inilibot niya ang kanyang paningin buong silid, pero wala talagang Sebastian ang nandito. Hindi talaga ito umuwi, simula no’ng iniwan siya nito sa dinner date nila. Pagdating nga niya dito sa Villa Room nila ay wala siyang nadatnan na Sebastian. Ang akala niya’y nagtatampo lang ito sa pagsisinungaling niya ay mali pala. Nasaktan talaga niya ito dahil ngayon lang ito kagalit sa kanya at hindi na umuwi. Kapag kasi nag-away sila ay uuwi ito kahit gaano pa ito nainis o galit sa kanya. Iba ngayon, sob

