SEBASTIAN GALVEZ “Yeah, I’m done. I need to rest, Salvi. If you want to stay here for a while, then stay. No need to go early to our villa,” nadismaya niyang sabi at hindi na hinintay kung ano ang sasabihin nito. Sobrang bigat ng pakiramdam niya dahil sa pagsisinungaling nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang rason nito kung bakit nito iyon ginawa. Kapag hindi niya ito tatanungin tungkol kay Cristobal ay wala itong balak sabihin sa kanya. Gusto na muna niyang makapag-isip at mawala ang pagkadismaya at sakit na naramdaman niya ngayon bago siya humarap sa dalaga. Alam niyang wala siyang karapatan magtanong kay Salvi tungkol sa dati nitong asawa. Wala naman talaga siyang pakialam tungkol sa nakaraan nito. Ang sa kanya lang ay sana sinabi nito ang totoo. Hindi iyong maglihim pa sa kan

