SALVI DEL FABIAN FLASHBACK “Babe, nakapasa ako!” agaw atensyon ni Sebastian sa kanya. Masaya niya itong sinalubong nang matapos niyang patayin ang faucet. Nagdidilig kasi siya sa kanyang inaalagaan niyang halaman. Sinalubong niya ito ng yakap at binigyan ng halik sa labi. Sobra siyang natuwa sa balita nito at bilang girlfriend nito ay nakaka-proud. Nakikita niya ang pagsusumikap nito para makamit ang inaasam nitong makapagtapos. “You deserve it, babe,” masayang bati niya rito. Lumayo ito sa kanya at maluha-luha ang mga mata nitong napatitig sa kanya. “Isa ka sa taong naniniwala sa akin na makapagtapos ako at hindi ka nagsawa sa akin na tumulong sa akin.” Umangat ang kanyang kamay para haplusin niya ang pisngi nito. Nakita niyang may nakatakas na luha sa mga mata nito. Pinunasan ni

