SALVI “Huwag mong sabihin na naghiwalay kayo dahil sa amin ni Sebastian?” Iyon kasi ang nasa isip niya kung bakit nagkahiwawalay ang dalawa. Dahil sa kanya pati ang relasyong dalawa ay nadamay dahil sa kasakiman ni Cristobal. Hindi siya makapaniwala na pati ang pinsan nito ay idamay pa. “Hindi iyan ang isa sa rason kung bakit kami nagkahiwalay.” Napabuntong-hininga ito at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. Hindi niya maintindihan ang pinapahiwatig ng mga mata nito. “Salvi, huwag mo muna kaya kayong umuwi sa Manila? Narinig ko kasi sina Gabriel at Cristobal na nag-uusap. Itutuloy ni Gabriel ang iniutos ni Cristobal sa kanya. Natatakot ako na mapahamak ang nobyo mo at ayokong mangyari iyon dahil sa kagaguhan ni Gabriel.” Ngumiti siya sa kaibigan at tumingin sa direksyon ni Sebastian

