SEBASTIAN GALVEZ Nakaupo siya sa buhangin at natatawang pagmasdan ang nobyang naglalaro at hinahabol ang daloy ng tubig dagat. Ang sarap pagmasdan kapag ganito kakulit ang nobya niya. Para itong bumalik sa pagkabata. Habang tumatagal ang pagsasama nila ay palagi talaga siya nitong masusurpresa sa ugali nito. She has a unique attitude that makes him deeply fall in love with her. Napalingon siya sa gilid niya nang makita niya ang kaibigan na nakangisi sa kanya. Kumunot ang noo niya sa kakaibang ngiti nito. Mukhang tanga talaga. Napailing na lang siya sa ka-weirdohan ni Henry. Ibinalik niya ang kanyang atensyon kay Salvi na ngayon ay nakadipa ang dalawang braso at umiikot ito. Sumasabay din sa pag-alon ang buhok ng dalaga at bawat tawa nito ay nagpapangiti sa kanya. "You looked so happy,

