SEBASTIAN GALVEZ Napaiwas siya nang tingin at napakagat-labi upang pigilan ang sarili na matawa sa itsura ni Henry. Para kasi itong among tupa na pinagalitan ni Salvi. Ikinuwento kasi niya sa nobya ang tungkol sa ex nitong si Cristina. Ayon nag-alburuto sa galit at kanina pa ito sinigawan ni Salvi. Matagal na pala itong naghahanap sa loko-lokong kaibigan niya. "Huwag mo akong bigyan ng rason, Henry! Dahil unang-una, nagpakabaliw ang kaibigan ko sa'yo. Ang mas masakit pa no'n, iniwan mo siya sa eri habang nagbubuntis siya! Kung takot ka pa lang maging ama, bakit ipinasok mo si Manoy sa Pempem ni Cristina?!" Nalilitong napatitig si Henry kay Salvi. "H-huh? Sinong M-manoy at Pempem?" Ang kaninang pagpipigil ay hindi na niya napigilan dahil bumunghalit na siya sa tawa. Napahampas siya sa

