CHAPTER 32

2133 Words

SALVI DEL FABIAN “Babe, kanina pa kita hinanap,” rinig niyang sabi ni Sebastian. Napabaling ang atensyon niya nang maramdaman niya ang pagyapos ng dalawang braso sa kanyang beywang. Ngumiti siya rito bago tumingin sa kawalan. “Bakit hindi ka na bumalik?” patuloy na tanong nito sa kanya. “Hindi ko maintindihan. Kanina pa ako binabagabag, Sebastian,” hindi mapakaling sabi niya. “May problema ba? Sabihin mo sa akin, bakit ka binabagabag. Pwede natin iyan pag-usapan.” Hinila siya nito patungo sa isang rocky chair cushion. Nauna itong umupo at pinaupo siya nito sa hita nito. Hinawakan nito ang kanyang kamay at nilalaro nito ang kanyang daliri. “Kanina ko pa kasi naramdaman na may nagmamasid. Ewan ko ba, pakiramdam ko nagmamasid si Cristobal." Natawa ito sa sinabi niya. “Guni-guni mo l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD