CRISTOBAL GARCIA “Nag-iisip ka ba, Cristobal! Diba sinabi ko na sa’yo na huwag mabilis?” Napasapo ito sa noo at palakad-lakad ito na para bang nakonsumisyon sa ginawa niya kanina. “Ano ba ang dapat kung sabihin? Sabihin ko na kaibigan lang ako?” “You should have to be quiet. Mas lalo lang ilalayo si Salvi mula sa’yo. Kilala ko si Sebastian. Kapag gusto niya ang babae ay hindi niya ito pwedeng mawala sa paningin niya kapag alam niyang nandito ang ex-husband ng nobya niya.” Napahilamos siya sa kanyang mukha. “Bakit ko pa kailangan na maging mabait? Dapat nga ako ang nasa posisyon sa tabi ni Salvi. Hindi iyang sinasabi mong kaibigan!” Hinablot niya ang beer na nasa kamay nito at inisahang tinungga iyon. Pagkatapos ay marahas niyang pinunasan ang bibig gamit ang kanyang kamay. Pabagsak na

