FELIX DEL FABIAN Napatingin siya sa labas ng bintana kung saan naaninag niya ang napakagandang sinag ng araw. Malungkot siyang napangiti habang pinagmasdan niya iyon. Kahit nakikita niya ang napakagandang araw ay malungkot naman ang nasa kalooban niya. Sobrang bigat ng kanyang damdamin dahil sa lahat ng kanyang ginawa ay mas lalo lang pinahamak niya ang kanyang anak. Naalala niya noon kung paano nagtagpo ang landas nila ni Cristobal Garcia. Kung paano siya nito pinagbantaan. FLASHBACK Mula sa pagbabasa ng dyaryo ay naagaw ang atensyon niya ng tinawag siya ni Manang Ysay na may panauhin daw siya. Tinanong niya ito kung sino, pero sabi lang nito ay Mr. Garcia. Sandali siyang napaisip, kung sino bang Mr. Garcia ang tinutukoy nito. Kaya sinabihan na lang niya ito na papasukin ang bisita da

