TASHA REYES Kanina pa siya naiinip sa paghihintay na makalabas ang doktor ni Salvi. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagsusuka at nahihilo. Kaya nagpatawag ng doktor si Cristobal dahil sa masama ang pakiramdam ni Salvi. Sobrang tagal ng nasa loob. Gusto niyang malaman kung ano na ang kalagayan nito. Napailing na lang siya. Bakit ba siya nag-alala sa kalagayan nito? Hindi na sila magkaibigan. Dapat hindi na siya makaramdam ng awa o pag-alala dahil pinutol na niya ang ugnayan niya rito. Palakad-lakad siya sa tapat ng pintuan nito. Kahit paano ay may pinagsamahan sila at wala naman itong kasalanan sa kanya. Huminga siya ng malalim. Hindi ka dapat nakaramdam ng ganito, Tasha!- sita niya sa kanyang sarili. Gusto na sana niyang umalis sa tapat ng pintuan nito, pero nanaig pa rin ang

