CRISTOBAL “Chief! Pwede ba akong tumawag? Gusto ko lang tawagan ang pamilya ko.” Kanina pa siya nagsasalita rito, pero walang pumapansin sa kanya. Nilagpasan lang siya ng mga ito para bang hindi siya nakita. Imposibleng hindi siya naririnig kung nilakasan na niya ang boses niya. Halatang hindi siya pinapakinggan ng mga pulis. Mas tamang sabihin na nagbibingihan. “Hello! Can’t you hear me? I’ve been calling attention for about 5 minutes straight, but you always ignored me!” Tumigil ang isang babaeng pulis sa tapat niya na abala sa binabasa nitong dokumento. Tinawag niya ang atensyon nito upang pansinin siya. Gusto niyang makatawag sa labas at tawagan si Tasha, kung anong oras siya kukunin dito. Alam niyang tinawagan na rin ito ng tauhan niya na nasa kulungan siya. Imposibleng hindi si

