SALVI DEL FABIAN Napahawak sa dibdib si Salvi dahil sa sobrang kabog ng dibdib niya. Hindi na rin siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Kanina pa siya binabagabag. Alam niyang may hindi magandang mangyayari ngayon. Kaya kinausap niya ang malapit na tulungan siya. Naghihintay pa siya sa tawag nito dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ito tumatawag. Napatigil siya sa pag-iisip ng biglang may tumawag sa kanya. Kumaripas siya ng takbo para kunin ang cellphone niya na nasa mesa. Hindi na siya nag-abalang tumingin dahil agad na niyang tinapat sa kanyang tainga. “Hello, b-bakit nga---” Napatigil siya sa pagsasalita. Tela parang bombang sumabog sa tainga niya nang marinig ang sinabi ng kabilang linya. “A-anong s-sabi mo!” [Salvi, your father, almost kidnapped.] Muntik na niyang mahulog ang kan

