CRISTOBAL GARCIA Nasa bar counter ng penthouse si Cristobal, umiinom mag-isa. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang baso at napatiimbagang na nakatitig sa larawan na nasa dart board. Nagpupuyos siya sa sobrang galit nang malaman niya na ang lalaking kinakasama ni Salvi. Sebastian Galvez ay ang nobyo ng asawa niya. Pinalit siya sa mas bata pa sa kanya. Mas bata pa sa asawa niya ng sampung taon? What the fvck! Ngayon na alam na niya kung sino ang pinagpalit sa kanya. Pwede na niyang unti-unting mawala sa landas ang pamilya ng lalaki. Talaga nga namang pinagpalit siya ng kanyang asawa. Hindi siya makakapayag na ibang lalaki ang nasa piling nito. Sisiguraduhin niyang walang Garcia ang ipagpapalit. Tatawagan niya si Alex. Kung bakit hanggang ngayon, wala pa rin itong binigay na imporm

