Nilagpasan lang niya ang mga kasamahan na pare-parehong tahimik at hindi nangialam sa naging pagtatalo nila ni Hendrix. Pagkalabas ni Ice ay natigilan siya nang matanaw niya si Vivian na kausap si Joaquin Saturno. Dumiin ang pagkakakuyom niya sa mga kamay at halos takbuhin na niya ang hallway palapit sa mga ito. Kahit gusto na niyang sabihin kay Vivian ang lahat, tama pa rin si Hendrix na dapat niya itong ilayo kay Joaquin Saturno. "Vivian!" malakas na tawag niya sa pangalan ng dalaga at agad itong inilayo sa lalaki nang makalapit siya sa mga ito. "Ano ang ginagawa mo rito sa labas?" Hinapit niya ito sa baywang palapit sa kaniya at halos yakapin na niya ito para lang mailayo kay Joaquin Saturno. "Nainip na ako sa loob ,eh. Eksakto naman na nakita ko si Tito Joaquin. I didn't know na

