Nakiusap ako kay kuya na ihatid sa Losyl Academy. Nakatanggap kasi ako ng tawag mula sa HR department na may iaalok daw sila sa’kin na trabaho. Sa sobrang boring ng pakiramdam ko, papatusin ko na muna ang kahit na anong trabahong iaalok sa akin. Hindi pa naman ako ginugutom nina mommy at daddy pero mas gusto ko talagang paghirapan ang lahat ng meron ako. Hindi ko nga ginagamit ang sasakyang iniregalo nila sa akin dahil nahihiya akong manghingi pa sa kanila nang panggasolina niyon gayong ako naman ang gagamit. Hindi kami pinalaki nina mommy at daddy na may gintong kutsara sa bibig kahit pa nga dalawa lamang kaming anak nila. Yes spoiled brat kami ni kuya, but in a good better way. Lahat ng mayroon kami ay pinaghirapan naming dalawa na makuha. “Sigurado ka na bang sa school na iyon i

