“Stella Monreal... Graduated!” Malakas na naghiyawan sina Mommy, Daddy at Kuya Rafael sa kanilang mga upuan nang tawagin ang pangalan ko ng tagapagpakilala mula sa entablado. Araw ng pagtatapos ko ngayon kaya naman masayang-masaya ako sa nakikitang kasiyahan ng aking pamilya. Tumayo ako mula sa upuan na kinauupuan ko at saka humakbang patungo sa may entablado. Masayang sinalubong ako nina Mommy at Daddy na mas excited pa sa aking pagtatapos. Naiiling na natatawa ako sa kanila dahil akala mo sila ang mga grumadweyt. “Congratulations, Baby!” masayang bati sa ‘kin ni Daddy. “Daddy!” nandidilat ang mga matang saway ko sa ama. Humagikhik si Mommy sabay yakap din sa akin. “Congratulations, Baby! We‘re so proud of you.” Damang-dama ko ang kagalakan sa pananalita ni Mommy. Animo ay malam

