Chapter 25 Yuka's Point of View Umalis kami ni Daryl ng magkahawak kamay. Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko, mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sa lalaking 'to. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Alam ko walang perpektong tao pero hindi naman kailangang maging perfect ni Daryl para masabi ko kung gaano ako kaswerte sa kanya. Just seeing his presence and feeling his love could already make me feel how perfect he is for me. Pumasok kami ng sasakyan pagdating namin ng parking lot. "Kamusta na kaya yung mga 'yon? Hindi pa ba sila tumatawag sa'yo, Hubby?" tanong ko pagka-upo niya sa driver's seat. Umiiling siyang tumingin sa'kin habang sinusuot ko ang seat belt ko. "Not yet, wife. Don't worry, I guess they're fine, besides they will surely call us if there'

