Chapter 26 Third Person’s Point of View Maagang dumating sa bahay nila Yuka ang mga magulang ni King na sina Mr. David Smith at Mrs. Andrea Smith. Nang matapos nila lahat ng dapat nilang asikasuhin sa kumpanya ay sunod naman nilang inuwian ang kanilang mansiyon na medyo matagal tagal din nilang hindi tinirhan at saka sila sabik na bumalik sa bahay nnila King. “Bakit ang daming gwardya sa labas, anak?” tanong ni David pagkapasok nila. “Oo nga naman, anak. May nangyari ba? Pinasok ba kayo?” Sinarado ni King ang pinto at sumunod sa mga magulang, “No. I just want to assure the safety of my family even if I’m not around.” Tumango-tango lang ang mga ito at sinang-ayunan naman ang sinabi ng anak. Nag-alok pa nga sila kung kailangan pa ba nilang dagdagan ang mga CCTV’s ng mga ito dito dahil

