SHANE P.O.V
Grabe ihing ihi na ko! Ang tagal mag break time! Tsk!
Grabe kc ung pagkaterror ng prof namin eh.
Alam mo ung pasuspense pa ang pagbunot ng index card at pikit mata kaming nagdadasal na sana hindi ung pangalan namin ang mabunot para sa recitation!
Ou ganun siya! Parang gusto nameng maging invisible bigla! or may mga dinosaur na sumugod para kainin cya! Hahaha!
"ok class dismiss"..
At lahat kami nakahinga ng maluwag..
Dali dali kong inayos ang gamit ko.
"girl, wait mo nalang ako sa canteen ha? C.r lang ako".. Sabi ko kay faye.
"ok cge bibili na kita ng food"..
At lumabas na kami ng classroom..
Naglakad na ko papunta ng c.r.
"out of order"..
Ai talaga naman oh!! Sa taas nalang ako mag c.r.
Umakyat na ko at hinahanap ung c.r.
Ayon!! Huli ka boi! Grabe sa may dulo pa pala c.r dito!
Wala ng mga studyante lunch na kasi. Ok nga yon eh para makaihi ako agad.
Pag pasok ko, ang dilim naman! Binuksan ko ang ilaw..
Mukang malinis.. Wala atang masyadong gumagamit dito.
Pumasok na ko sa cubicle..
Habang umiihi, Narinig kung bumukas ung gripo ng tubig..
May tao bang pumasok? Wala naman akong narinig ah?.
Di ko nalang pinansin.. Concentrate ako sa pag ihi eh..
"huhuhu huhuhu"
Hala! Narinig kong may umiiyak na babae. Dinikit ko ung tenga ko sa may pader.
Hinahanap ko kung saan banda ung boses nung babae..
Parang sa kabilang cubicle..
siya kaya ung nag open ng gripo kanina?. Bat kaya siya umiiyak?
Lumabas na ko ng cubicle..
At kumurap kurap ang ilaw sa c.r..
Binuksan ko isa isa ung cubicle.
Walang tao. Binuksan ko pa ung isa.. Wala pa din..
Ung dulong cubicle nalang ang natitira, parang don ung boses na nanggagaling.
"huhuhu huhuhu"..
Mas lalong lumakas ung iyak nya ngayon..
Tok.tok.tok..
"miss?? Ok ka lang ba?"..
"huhuhu huhuhu"..
Bat parang palapit ng palapit ung boses nya?..
Kinatok ko ulit..
Tok.tok.tok..
At bumukas bigla ung pinto..
Eeeekk..
Tunog ng pinto.. Para naman tong bahay ni lola! Ang creepy ng tunog eh..
Dahan dahan kong binuksan..
At nakita ko ung babae na nakaupo sa sahig at nakahalukipkip..
Ung magulong buhok nya natatakpan ng mukha nya..
Nakauniform siya. At bakit cya nakapaa?
Lumapit ako sakanya..
Hinawakan ko siya sa braso..
Ang lamig naman nya..
"b-bat ka umiiyak?, may umaway ba sayo?"..
At dahan dahan siyang nagtaas ng mukha..
Namumutla ung mukha nya..
"nirape nila ako ditooo"..
Ang hina ng boses nya. Di ko masyadong narinig..
Kaya mas lumapit pa ko sakanya..
"ha?. Ano? Di ko masyadong narinig eh"..
Tinitigan nya ako at kita ko sa mukha nya ung lungkot..
Umiiyak nanaman siya..
"huhuhu huhuhu"..
Hinagod ko ung likod nya..
"tahan na, ano ba talagang nangyari sayo?".. Nag aalalang sabi ko..
"marami silaaa..ditoo sa c.r na toh"..
Parang bumubulong nanaman siya amp! Di ko nanaman marinig tsk! Ai bengengot!
"ha? Anong sa c.r. na toh?. Dito ka nila inaway? Tara sumbong naten sa guidance!"..
Yumuko lang siya ulit..
"tara, sasamahan kita sa guidance, akong bahala sayo"..
Umiling iling siya at tumitig lang siya sa akin.
"hmm.. Cge ganito, ako nalang ang pupunta sa guidance at sasabihin ko sakanila na may nambully sayo, wait mo ko dito ha?"..
Yumuko lang siya ulit at hawak hawak ung tuhod nya..
Tumayo na ko at lumabas ng c.r..
Pumunta ako ng guidance office..
Powtek parang walang tao ah?! Lunch break nga pala amp!
Pinuntahan ko muna si faye para samahan nya kong balikan ung girl sa c.r.
"faye, samahan mo ko sa c.r sa taas balikan natin ung girl"..
"ha? sinong girl?"..
"may bumully ata sakanya, kaya umiiyak. Walang tao sa guidance kanina, mamaya nalang ako babalik don"..
"cge tara"..
Habang naglalakad kami paakyat..
"ang layo naman ng c.r na yan!! San ka bang kuweba umihi?".. Reklamo nya.
"don lang sa may dulo".. Tinuro ko sakanya.
Pagpasok namen sa c.r.
Parang wala ng tao.. Binuksan ko isa isa ung cubicle..
"oh asan na ung girl?".. Tanong ni faye.
"andito lang siya kanina nakaupo pa nga sa lapag eh"..
"hai naku kaya ayokong nagugutom ka eh, ano ano kasi yang nakikita mo! Tara na nga!"..
Sabay hila sa akin..
Paglabas namen ng c.r. May mga students kaming nakasalubong.
"nag c.r. kayo jan?".. Tanong nung isang girl.
"uo jan ako nagc.r kanina why?"..
"nako may girl daw na nagpapakita jan, may mga nakakarinig din na may umiiyak pero pagtingin nila wala naman tao. Kaya nga walang gumagamit ng c.r. Na yan eh"
Takot na sabi nung girl..
Nagkatinginan kami ni faye..
"ahm g-ganun ba?"..
Bigla akong kinilabutan!
"OMG girl!! Yon ata ung nakita mo kanina!".. Takot na takot na sabi ni faye..
"n-nagpakita siya sayo?".. Tanong nung girl.
Tumango lang ako..
At nagmamadali silang naglakad palayo..
Nagmamadali kaming bumaba ni faye.
Nakatulala pa din ako dahil sa nangyari kanina..
"hoy! Magtititigan nalang kayo ng manok? bka lumipad yan"..
Don lang ako bumalik sa ulirat..
Nakititig lang kc ako sa chickenjoy..
"busog na ko"..
Nalingat lang ako saglit nawala na sa plato ko ung manok!
Pagtingin ko kay faye inuupakan na pla ung kawawang chickenjoy ko..
"akin nalang girl ah? Shayang eh"..
Naiiling iling nalang ako na natatawa sakanya..
.
.
.
FEIL P.O.V
"budz, di mo ata kasama si ms. Cute?".. Tanong ni tina
"hmmm. May klase pa ata siya"..
"ahh. Ang daming umaaligid don ah? Bka maunahan ka na"
Napalingon ako sakanya..
"anong maunahan ka dyan?!".. Singhal ko sakanya.
"asuuss.. di mo ba siya type?"
Alam ni tina na bisexual ako..
"well, she's pretty and sweet"..
"so type mo nga?"..
At pinitik ko ung noo nya..
"ewan ko sayo!"
Sabay subo ulit ng lollipop..
"hey feil"..
Hay naku andito nanaman ang flirt na si lyn..
Tamad na tumango ako..
"may practice tayo later ha? Mamaya bigla ka nanaman nawawala"..
"yah i know"..
at tumabi sya sa akin.
"you know feil nagseselos na ko sa shane na yon ah".. Maarteng sabi nya..
Napalingon ako sakanya..
"bakit tayo ba?"..
"alam mo naman gusto kita db?, di mo lang ako pinapansin amp!"..
"tigilan mo nga ako".. Inis na sabi ko.
Ou matagal na nya akong inaakit haha! Kaso di ko talaga siya trip eh. Ang landi kc. Nakita ko pa siyang nakikipaghalikan sa isang basketball player. Ewww!
"basted ka na lyn, tanggapin mo nalang ung katotohanan"..
Pang aasar pa ni tina sakanya haha!!
"tseh!! Dahil ba sa shane na yon?. Lamang naman ako ng ilang paligo don noh!"
"wag mo ngang dinadamay dito c potchi!"
"hala lagot ka! Nagiging san goku na si feil, maghami hamiwave na yan!".. Pananakot ni tina..
"ewan ko sa inyo. Makaalis na nga!".. Padabog siyang naglakad paalis..
At nagtawanan kami ni tina..
.
.
.