SHANE P.O.V.
"girl tambay tayo mamaya sa may field ha?"
Ano nanaman kayang trip nito..
"anong meron don?"..
"damo?"..
Ai susmaryosep! Alam kong may mga damo don!
"i mean. Bat tayo tatambay don?"..
"wala lang, pero kung gusto mong maglaro ng soccer ok lang din naman".. Sarcastic na sabi nya.
Kahit kelan talaga lakas mang asar nito eh!..
"gusto mo ikaw gawin kong bola?".. Mataray na sabi ko.
"hehe jowk lang ito naman apir"..
Nakipag apir nalang ako para matigil lang cya..
"sabay ba kayong uuwi ni ms.model?"..
"si feil?
"ai hindi hindi! may iba pa bang model dito?"..
"di ko alam eh, di pa cya nagtetext"..
"ang swerte mo talaga! Di kaya yon basta basta nikikipag close sa ibang tao. Tas kayo close na agad! Nasan ang hustisya!"..
"drama mo! Sabunutan kaya kita!"..
"tingin mo girl pwede din kaya akong maging model?"..
Sabay pose nya. Naka pouty lips pa ang loka!..
"ou naman pwedeng pwede!! Model ng patis nyahaha!!"..
At ang sama ng tingin nya saken..
"alam mo may gusto akong kainin ngaun eh"..
Pahimas himas pa cya ng chan.
"kanina ka pa kaya kain ng kain! Di ka pa ba nabusog?"..
"i have kc noh! Kaya matakaw ako ngaun"..
Sus! Lage kaya cyang matakaw so lage cyang meron?! Tss!!
"gusto ko ng turon!"..
"what's turon? Nakakain ba yon?"..
"hindi, dinidikit yon sa noo, try mo minsan"..
Dinidikit sa noo?! Di nga?
nakita kong nagpipigil ng tawa c faye..
"tara mag hanap tayo ng turon!"..
At hinila na nya ko..
"wait lang naman!"..
Pano kc makakaladlad saken wagas..
Lumabas kami ng campus.
Iniisip ko talaga kung ano ung turon!
"ai naku naubos na ung turon! Mag kamote que nalang tayo"..
Sabay abot saken nun..
"hmmm. Masarap pala toh"..
"ou. Nakakautot nga lang yan"..
Napahinto ako..
"what?!! Bat nakakautot?"..
"hay naku kamote kc yan, sweet potato you know"..
At ginaya nya pa ung salita ni pacman..
tska ko lang nagets!.. Tongo lang teh?
After namen kumain. Bumalik na kami sa campus.
Tumambay kami sa field.. Kaya naman pala gusto tumambay ng loka na toh kc may laro ung mga soccer players na guys..
"ang cute nun oh, hala tumingin saken!".. Kinikilig na sabi ni faye.
"ayan na palapit na cya dito".. Pakurap kurap pa ung mata nya na parang sinasapian..
"hoy! Tumigil ka nga! Nangingisay ka na jan eh! Kinuha lang ung bola!"..
At biglang nawala ung kilig sa muka nya..
"ba yan! Kala ko pa naman magpapakilala saken!".. Dismiyadong sabi nya.
tumunog ung cp ko..
...calling gummy_feil...
Excited kong sinagot ung cp..
>hello?
>hi potchi.. Nasan ka?"..
>andito kami sa may field"
>ok pupuntahan nalang kita jan"..
...end of call...
Nag suklay at nagpowder muna ako ng muka..
"anjan na ung sundo mo noh?"..
"yes and why?"..
"nag ayos ka na eh, crush mo cya?"..
Oh db walang cyang pakundangang magtanong!
Di ako nakakibo..
"potchi!".. May tumawag saken..
"ai ayan na pala eh ayiee!! May pa potchi potchi pa ah?".. Panunukso ni faye..
Hinampas ko cya ng bag..
Nagpaalam na c faye samen..
naglalakad na kami palabas ng campus..
"you know what is turon?".. Tanong ko sakanya.
Nagtataka ung muka nya..
"turon? Why? You want that?"..
"sabi kc ni faye kanina gusto daw nya ng turon, dinidikit daw un sa noo eh, pero parang ginugood time lang nya ko!".. Inis na sabi ko..
Napahalakhak c feil.
Bat cya natawa?! Ano ba kcng meron ang turon na yan?!
"yah. At nakakain yon, nakawrap yon at may banana sa loob"..
"sus! Yon lang pala! Lagot talaga cya saken bukas!"..
.
.
FEIL P.O.V
natatawa ako kay shane di nya alam ang turon?!
Inosente pa talaga cya sa mga bagay bagay.
Buti nalang alam ko yon! Kundi pareho kaming maniniwala kay faye na dinidikit yon sa noo! Hahaha!
Tumunog ung cp nya..
>hello dad?"
Excited na sabi nya.
>princess! How are you?"
>im ok dad. When ka uuwi?"
Parang batang naglalambing. Nakapout pa cya.
>ahmm.. Naextend kc ang pagstay ko dito sa hk eh. May mga inaayos lang, but dont worry pagbalik ko magshopping tayo ok?"
at nalungkot ung muka nya..
>ok"..
>you take care. when daddy's back magbobonding tayo"
>alright dad, ingat ka din jan"
>i love you my princess"
>i love you too dad"
...end of call..
"lets go"..malungkot nyang sabi.
Ayoko cyang nakikitang malungkot tsk!
"gala muna tayo".. Yaya ko. To cheer her up..
tumingin cya saken..
"where?"
"hmmm.. Kahit san"..
At nagdrive na ko...
Di ko talaga alam kong san ko cya dadalhin..
Napadaan kami sa park..
Nakakita ako ng cotton candy!
Yah tama! Favorite nya yon..
Pinark ko ung kotse at bumaba na kami..
"manong, cotton candy nga po pwede ba ung malaki ung gawin nyo? Dadagdagan ko nalang po ung bayad"..
"cge"..
At ang laki nga nung ginawa ni manong..
Malaki pa ata sa muka ni shane! Haha!!
"thanks po. Keep the change"..
Binigyan ko cya ng 500..
Lumapit ako kay shane na nakaupo sa may siso..
"here oh".. At inabot ko ung malaking cotton candy sakanya.
"wooww!! Its soo big!"..
Tuwang tuwang sabi nya..
Nakakita ako ng dirty ice cream..
Lumapit kami don at bumili..
"hmmm. Ang sarap nito, gusto ko pa!"..
"masarap talaga ang dirty ice cream"..
"m-madumi toh? Bat naten kinakain?"..
Inosenteng tanong nya,
Natawa ako sakanya..
"its not dirty, Yon lang talaga tawag sa ice cream na toh"..
"ang weird naman! Pano pag clean ice cream? It's means di yon malinis?"
Nakakunot noo na sabi nya habang nag iisip.
Di ko alam kung pano ko eexplain sakanya ang mga bagay bagay na minsang di nya alam or maintindihan haha!
Pero im happy kahit ganun cya..
Nangingiti nalang ako habang pinagmamasdan ang inosente nyang muka..
Habang kumakain kami napansin kong tumutulo sa daliri
Nya ung ice cream..
"tumutulo oh".. Turo ko.
"ooppss"..
At muntik ng mahulog ung ice cream sa apa kaya pareho naming sinalo at ung muka namen sobrang lapit sa isat isa..
Dinilaan ko ung ice cream na tumulo sa daliri nya.
Nagkatitigan kami..
Nilapit ko pa ung muka ko sakanya ng biglang..
"gusto nyo po ng balloons?"..
Sabay kaming napatingin kay kuya balloon. Kainis! Meh asungot?! Haha!
"wow may dora at hello kitty!"..
Tuwang tuwang sabi ni shane.
"kunin ko na lahat yan"..
At binayaran ko na c kuya, bka masipa ko pa cya eh panira kc ng moment amp!
Tuwang tuwa cya sa balloons na may iba't ibang cartoon characters..
At hinatid ko na cya pauwi..
"gummy, thanks dito sa maraming balloons ah? I really liked it!"..
Gummy na talaga ung tawag nya saken mahilig daw kc ako sa gummy bears. Haha!
"welcome".. Nakangiting sabi ko.
Tsuuupp..
At bigla nya akong kiniss sa cheek..
"ingat sa pag ddrive ha? Goodnight"
At bumaba na cya ng kotse..
Hinawakan ko ung pisngi kung san nya ko hinalikan..
At napangiti nalang ako.. Ayiee iba na yan!
.
.
.