"Tease..." Inilayo ni Troy ang katawan bago tumalikod para iwanan na siya sa kusina. Nainsulto tuloy si Ariana. Parang hindi naman totoo na may gusto si Troy sa kanya para balewalain ang panunukso niya nang ganoon kanina. Hindi niya alam kung dapat niyang ikatuwa iyon. Wala talagang balak si Troy na patulan siya para panindigan ang pagiging kuya nito sa kanya ngayong kasal na ang mga magulang nila. Pero bakit masakit? Sa pride niya pati na rin sa puso niya. Nang makaakyat si Troy sa silid nito ay doon pa lang siya umalis sa kusina. Sa halip na antukin ay mas lalo lang siyang hindi nakatulog. Itinuloy niya na lang ang tinatapos na website ni Sarrah kahit pa sa ngayon ay pinagpapahinga ni Dylan at wala pang balak itayo ang food factory nito. Inip na inip na siya sa Maynila dahil nandito

