Parang lalagnatin si Troy habang nakasakay sa passenger seat. Wala naman siyang choice kung hindi lingunin si Ariana paminsan-minsan habang nasa nagmamaneho. Kailangan niyang makita kung paano ito habang nasa manibela. At habang ginagawa niya iyon ay hindi niya maiwasan na dumako ang tingin sa maliit nitong baywang. Alam niyang hindi nagsuot si Ariana ng ganoon para akitin siya kung hindi ang inisin siya. Gusto pa niyang tumawa nang malakas kanina nang sabihin nitong mas matutukso pa ang mga anghel sa langit sa suot nito ngayon kaysa sa kanya. Kung alam lang nito ang totoo. Mabuti na lang pantalong maong ang suot niya ngayon kung hindi ay ipapahiya siya ng alaga niya. "Saan ba ang punta natin?" tanong nito habang nakatutok ang mata sa kalsada. Sa ganoong paraan ay nagagawa niyan

