"Where's Sarrah?" tanong ni Ariana kay Troy nang bumaba siya sa komedor. Ang kuya pa lang niya ang naroon na nagkakape lang kahit nakahanda na ang almusal. Kanina pa siya natatakam sa amoy ng beef tapa kaya bumaba na siya. Wala na naman siyang gagawin sa bahay maghapon pero mabuti na lang may nakakausap na siya dahil nandito si Sarrah. "Malamang tulog pa 'yun. You want coffee?" "Ako na ang magtitimpla." Bago pa siya makakuha ng tasa sa cupboard ay naunahan na siya ni Troy. Nasa likod niya ito at naglapat pa ang katawan kamay nila dahil sabay nilang inabot ang tasa. Pero bukod sa mainit nitong kamay na dumampi sa balat niya ay nailang din siya sa katawan nitong tila bumalot sa katawan niya. At may kung ano pang bagay ang tumusok sa likuran niya nang napaatras siya dahil muntik si

