"Thanks, pare," wika ni Dylan sa kanya nang punayag siya na dalhin niya ang kasintahan nitong si Sarrah sa bahay nila. Pinoprotektahan nila ito laban sa asawa ni Dylan na si Karla. Ipinagpapasalamat naman niya na magkakaroon ng bagong kaibigang babae si Ariana. Naiinis siya kapag naririnig na kung sino-sinong lalaki ang kausap nitong lagi sa telepono. Mukhang nagkasundo naman kaagad ang dalawa at naiwanan pa nga niya si Sarrah sa bahay. May usapan sila ng mga kaibigan niya na mag-iinuman bukas nang may dahilan si Dylan na dumalaw sa bahay nila at makasama si Sarrah. "Kumusta daw ang dalawa doon?" tanong ni Dylan. "Maya't maya mo na nga tinatawagan sj Sarrah itatanong mo pa kung kumusta ang dalawa doon?" nakatawa niyang tanong. "Ano naman? Hindi mo ba kinukumusta si Ariana? Ibinilin

