Naiinis si Ariana dahil pagbaba niya sa silid ay may ibang taong nasa bahay. Hindi lang basta tao kung hindi babaeng modelo na parang naggaling sa isang cover magazine. Bisita daw iyon ng Kuya Troy niya. Sa unang pagkakataon ay mayroon itong babaeng inuwi dito kung kailan nakaalis na ang Mama niya at si Jim para gugulin ang late honeymoon. Hindi niya alam kung bakit tuloy siya naiinis. Hindi nga niya pinatuloy si Leo sa pagpunta sa bahay na 'yun dahil nahihiya siyang wala ang Papa Jim niya kapag nagpatuloy siya ng ibang tao dito. Kahit nga ang boyfriend niyang panay ang tawag at pangungulit sa kanya na dalawin siya sa Maynila ay hindi niya pinatutuloy. Yun pala ay si Troy ang mag-uuwi ng babae dito na parang daga na maglalaro dahil wala ang pusa. Dapat pala pumayag na lang siyang magpunt

