Hindi mapakali si Dylan habang nagdi-dinner sila ni Karla. Naka-order na siya ng pagkain para kay Sarrah pero hindi man lang ito nagte-text kung natanggap man lang ba nito ang pagkain. And he hated waiting. Kahit sa mga kaibigan niya'y ayaw niyang pinaghihintay siya kung may meeting sila o kung may impormasyon siyang gustong malaman. Umiinit tuloy ang ulo niya ngayon. "Are you done?" tanong niya kay Karla na wala din namang ginawa kung hindi ang kausapin ang kaibigan sa telepono. "Yeah, I'm full." Inilapag na nito ang kutsara at tinidor saka pinunasan ang magkabilang labi. Kalahati lang ang nakain nitong steak at hindi rin nito kinain ang in-order niyang dessert. Tataba daw kasi ito dahil mabagal na ang metabolism nito sa katawan. Hindi niya alam kung nag-e-enjoy pa ba itong ku

