"Bakit ka umiiyak?" Lumapit si Sarrah sa kanya at iniyakap sa baywang niya ang braso. Punas siya nang punas sa gilid ng mata pero ayaw pa rin talagang maubos ng luha niya. "You're going to meet your mother-in-law soon, love... Ihanda mo ang gamit mo at susunduin ka dito ng kapatid ko." "B-bakit ako susunduin?" "Anniversary ng Hacienda Luna bukas at kailangan kong umuwi. Gusto kitang isama at ipakilala sa pamilya ko. Kayo ang magmamana ng lupain ko doon. Para 'yun sa magiging anak natin." "N-nahihiya ako... Baka kung ano ang isipin nila sa 'kin..." "My family isn't hard to please, Sarrah. And you are with me so you don't have to worry. Pupunta muna tayo sa doktor ngayon para masiguro na pwede ka sa mahabang byahe." Napakiusapan niya si Troy na dalhin si Sarrah sa malapit lang na cli

